Abiso ng Paglabag sa Data
Para Kay <<Individual Name>>:
Sumusulat kami sa iyo dahil natukoy namin na maaaring nagresulta ang isang kaganapan sa seguridad ng datos sa limitadong hindi awtorisadong pag-akses sa o pagkasiwalat ng tiyak na nagpapakilalang impormasyon na nasa aming pangangalaga na pinamamahalaan ng isa sa aming mga vendor. Hanggang sa kasalukuyan, hindi namin alam ang anumang aktwal o pagtatangkang maling paggamit ng impormasyon dahil sa insidenteng ito. Ang HealthEquity, Inc. (HealthEquity) ay ang tagapag-alaga ng mga HSA at isang nakadirekta na ikatlong partidong tagapangasiwa ng mga plano ng FSA/HRA na nauugnay sa <<Covered Entity Name>>, na maaaring pinagtatrabahuan mo o pinagtrabahuan mo sa nakaraan. Ang insidente sa seguridad ng datos ay nagresulta sa hindi awtorisadong pag-akses sa o pagsiwalat ng ilang impormasyon ng ilang indibidwal kabilang ang sa iyo.
Anong nangyari?
Pagkatapos makatanggap ng isang alerto noong Marso 25, 2024, nalaman ng HealthEquity ang tungkol sa isang anomalya sa sistema na nangangailangan ng malawakang teknikal na pagsisiyasat na sa huli ay nagresulta sa pagsisiyasat sa digital na datos hanggang Hunyo 10, 2024. Sa pamamagitan ng gawaing ito, natuklasan namin ang ilang hindi awtorisadong pag-akses sa at potensyal na pagsiwalat ng protektadong impormasyon sa kalusugan at/o personal na nagpapakilalang impormasyon na nakaimbak sa isang hindi organisadong imbakan ng datos sa labas ng aming mga pangunahing sistema. Noong Hunyo 26, 2024, pagkatapos mapatunayan ang datos, natukoy namin sa kasamaang-palad na sangkot ang ilan sa iyong personal na impormasyon.
Anong impormasyon ang maaaring nasangkot?
Ang apektadong datos ay pangunahing binubuo ng impormasyon sa pag-sign-up para sa mga account at benepisyong pinangangasiwaan namin. Maaaring kabilang sa datos ang impormasyon sa isa o higit pa sa mga sumusunod na kategorya: pangalan, apelyido, adres, numero ng telepono, ID ng empleyado, taga-empleyo, numero ng social security, numero ng kard sa kalusugan, numero ng miyembro ng plano sa kalusugan, impormasyon sa dependyente (para sa pangkalahatang impormasyon sa pag-kontak lamang), uri ng serbisyo, mga dyagnosis, mga detalye ng reseta, at impormasyon sa kard ng pagbabayad (ngunit hindi numero ng kard ng pagbabayad o impormasyon ng HealthEquity na debit kard). Hindi lahat ng kategorya ng datos ay naapektuhan para sa bawat tao.
Anong ginagawa namin.
Nang natuklasan namin ang hindi awtorisadong aktibidad, agad kaming naglunsad ng pagsisiyasat at nakipag-trabaho sa mga ikatlong partido na eksperto upang matukoy ang uri at saklaw ng insidente. Nalaman namin sa aming pagsisiyasat na nakompromiso ang mga user account ng isang vendor — na may pag-akses sa isang online na lokasyon ng imbakan ng datos — at dahil dito, naka-akses ang isang hindi awtorisadong partido ng isang limitadong dami ng datos na nakaimbak sa isang lokasyon ng imbakan sa labas ng aming mga pangunahing sistema. Bilang resulta ng aming pagsisiyasat, gumawa kami ng mga agarang aksyon kabilang ang, hindi pagpapagana sa lahat ng potensyal na nakompromisog account ng vendor at pagwawakas sa lahat ng aktibong sesyon; paghadlang sa lahat ng IP address na nauugnay sa bantang aktibidad ng aktor; at pagpapatupad ng pandaigdigang pag-reset ng password para sa apektadong vendor. Bukod pa rito, pinahusay namin ang aming mga pagsisikap sa seguridad at pagsusubaybay, mga panloob na kontrol, at pamamaraan ng seguridad.
Anong magagawa mo.
Dahil sa epekto nito sa iyo at sa mga umaasa sa iyo, inayos ng HealthEquity ang pagsusubaybay sa pagkakakilanlan ng kredito, seguro, at mga serbisyo sa pagpapanumbalik hanggang dalawang taon, nang walang bayad, sa pamamagitan ng Equifax. Gamitin ang iyong natatanging code sa aktibasyon <Activation Code> upang magpatala sa online sa http://www.equifax.com/activate. Mayroon kang hanggang Disyembre 31, 2024, upang aktibahin ang mga serbisyong ito.
Kasama sa Sangguniang Gabay ang impormasyon sa mga pangkalahatang hakbang na maaari mong gawin upang masubaybayan at maprotektahan ang iyong personal na impormasyon. Hinihikayat ka naming repasuhin nang mabuti ang mga pahayag sa pananalapi, mga ulat ng kredito at iba pang mga account upang matiyak na wasto ang lahat ng aktibidad ng account.
Para sa karagdagang impormasyon
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o nais mo ng karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa nakalakip na Sangguniang Gabay, o tumawag nang walang bayad sa 888-244-3079. Bukas ang sentro ng serbisyo na ito mula 9:00am – 9:00pm ET, Lunes hanggang Biyernes, hindi kasama ang ilang pista opisyal sa U.S.
Taos-puso kaming nagsisisi na nangyari ang insidenteng ito. Taimtim na isinasaalang-alang ng HealthEquity ang seguridad ng personal na impormasyon, at patuloy kaming magsisikap nang masigasig upang maprotektahan ang impormasyong ipinagkatiwala sa amin.
Taos-puso,
[Signatory]
[Title]
Sangguniang Gabay
Repasuhin ang mga Pahayag ng Iyong Account
Maingat na repasuhin ang mga pahayag na ipinadala sa iyo mula sa HealthEquity upang matiyak na tama ang iyong aktibidad sa account. Iulat kaagad ang anumang mga singil na nakapagdududa.
Kumpirmahin ang personal na impormasyon at impormasyon sa pag-kontak sa HealthEquity na portal
Mag-log in sa HealthEquity na portal at kumpirmahin na tama ang iyong personal na profile at impormasyon sa pag-kontak.
I-order ang Iyong Libreng Ulat sa Kredito
Upang mai-order ang iyong libreng taunang ulat ng kredito, bisitahin ang www.annualcreditreport.com, tumawag nang walang bayad sa (877) 322-8228, o kumpletuhin ang Form ng Kahilingan para sa Taunang Ulat sa Kredito sa website ng U.S. Federal Trade Commission (“FTC”) sa www.ftc.gov at ipadala ito sa Annual Credit Report Request Service, P.O. Box 105281, Atlanta, GA 30348-5281. Ang tatlong kagawaran ng kredito ay nagbibigay ng libreng taunang ulat ng kredito sa pamamagitan lamang ng website, numero ng telepono na walang bayad o form ng kahilingan.
Pagkatanggap sa ulat sa iyong kredito, repasuhin ito nang mabuti. Suriin kung mayroong mga account na hindi mo binuksan. Hanapin sa "mga pagtatanong" na seksyon ang mga pangalan ng mga tagapagkaloob ng kredito kung kanino hindi ka humiling ng kredito. Ang ilang mga kumpanya ay naniningil sa ilalim ng mga pangalan na bukod sa kanilang mga tindahan o komersyal na pangalan; masasabi ng kagawaran ng kredito kung ito ang kaso. Hanapin sa "personal na impormasyon" na seksyon ang anumang mga kamalian sa impormasyon (tulad ng adres ng tahanan at Numero ng Social Security).
Kung makakita ka ng anumang bagay na hindi mo naiintindihan, tawagan ang kagawaran ng kredito sa numero ng telepono na nasa ulat. Ang mga pagkakamali ay maaaring isang babalang palatandaan ng posibleng pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Dapat mong ipaalam sa mga kagawaran ng kredito tungkol sa anumang mga kamalian sa iyong ulat, dahil alinman sa pagkakamali o pandaraya, sa lalong madaling panahon upang ma-imbestigahan ang impormasyon at maitama kung matuklasang isang pagkakamali. Kung may mga account o mga singil na hindi mo pinahintulutan, ipaalam ito kaagad sa naaangkop na kagawaran ng kredito sa pamamagitan ng tawag sa telepono at nang nakasulat. Ang impormasyon na hindi maipaliwanag ay dapat ding iulat sa iyong lokal na pulisya o opisina ng sheriff dahil maaari itong magpahiwatig ng kriminal na aktibidad.
Kontakin ang U.S. Federal Trade Commission
Kung makakita ka ng anumang hindi awtorisadong transaksyon sa alinman sa iyong mga account sa pananalapi, abisuhan kaagad ang naaangkop na kumpanya ng kard sa pagbabayad o institusyong pampinansyal. Kung matuklasan mo ang anumang mga insidente ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan o pandaraya, iulat kaagad ang bagay sa iyong mga lokal na awtoridad sa pagpapatupad ng batas, Pangkalahatang Abogado ng estado at sa FTC.
Maaari mong kontakin ang FTC upang matuto nang higit pa tungkol sa kung paano protektahan ang iyong sarili mula sa pagiging biktima ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan sa pamamagitan ng paggamit sa impormasyon ng pag-kontak sa ibaba:
Federal Trade Commission
Consumer Response Center
600 Pennsylvania Avenue, NW
Washington, DC 20580
1-877-IDTHEFT (438-4338)
www.ftc.gov/idtheft
Maglagay ng Alerto ng Pandaraya sa Iyong File sa Kredito
Upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa posibleng pagnanakaw ng pagkakakilanlan, isaalang-alang ang paglalagay ng alerto sa pandaraya sa iyong file sa kredito. Tumutulong ang alerto sa pandaraya na maprotektahan laban sa posibilidad ng pagbubukas ng isang magnanakaw ng pagkakakilanlan ng mga bagong account ng kredito sa iyong pangalan. Kapag sinusuri ng tagapagkaloob ng kredito ang kasaysayan ng kredito ng isang taong nag-a-apply para sa kredito, makakatanggap ng abiso ang tagapagkaloob ng kredito na maaaring biktima ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan ang aplikante. Nag-aabiso ang alerto sa tagapagkaloob ng kredito na gumawa ng mga hakbang upang mapatunayan ang pagkakakilanlan ng aplikante. Maaari kang maglagay ng alerto sa pandaraya sa iyong ulat ng kredito sa pamamagitan ng pagtawag sa alinman sa mga walang bayad na numero ng telepono para sa pandaraya na ibinigay sa ibaba. Makakarating ka sa isang awtomatikong sistema ng telepono na nagpapahintulot sa pagpapahiwatig sa iyong file gamit ang alerto sa pandaraya sa lahat ng tatlong kagawaran ng kredito.

Equifax
Experian
TransUnion
P.O. Box 105069
Atlanta, Georgia
P.O. Box 2002
Allen, Texas 75013
P.O. Box 2000
Chester, PA 19016
800-525-6285
888-397-3742
800-680- 7289
www.equifax.com
www.experian.com
www.transunion.com
Mga Pang-seguridad na Pagsuspinde
May karapatan kang humiling ng pagsuspinde ng kredito mula sa isang ahensya ng pag-uulat sa mamimili, nang walang bayad, upang walang bagong kredito ang mabubuksan sa iyong pangalan nang hindi gumagamit ng isang PIN na numero na ibinibigay sa iyo kapag nagpasimula ka ng pagsuspinde. Idinisenyo ang isang pang-seguridad na pagsuspinde upang mapigilan ang mga potensyal na tagapagkaloob ng kredito na ma-akses ang iyong ulat ng kredito nang wala ang iyong pahintulot. Kung maglalagay ka ng pang-seguridad na pagsuspinde, hindi maa-akses ng mga potensyal na tagapagkaloob ng kredito at iba pang mga ikatlong partido ang iyong ulat ng kredito maliban kung pansamantala mong alisin ang pagsuspinde. Samakatuwid, maaaring maantala ng paggamit ng isang pang-seguridad na pagsuspinde ang iyong kakayahang makakuha ng kredito.
Hindi tulad ng alerto sa pandaraya, dapat mong ilagay nang hiwalay ang pang-seguridad na pagsuspinde sa iyong file sa kredito sa bawat kagawaran ng kredito. Upang makapaglagay ng pang-seguridad na pagsuspinde sa iyong ulat sa kredito, dapat mong kontakin ang ahensya ng pag-uulat ng kredito sa pamamagitan ng tawag sa telepono, koreo, o protektadong elektronikong paraan at magbigay ng nararapat na pagkakakilanlan ng iyong pagkakakilanlan. Dapat isama ang sumusunod na impormasyon kapag humihiling ng pang-seguridad na pagsuspinde (tandaan na kung humihiling ka ng ulat ng kredito para sa iyong asawa, dapat ding ibigay ang kanyang impormasyon): (1) buong pangalan, na may gitnang inisyal at anumang mga suffix; (2) Numero ng Social Security; (3) petsa ng kapanganakan; (4) kasalukuyang adres at anumang dating adres sa nakalipas na limang taon; at (5) anumang naaangkop na ulat ng insidente o reklamo sa isang ahensyang nagpapatupad ng batas o sa Rehistro ng mga Sasakyang De-motor. Ang kahilingan ay dapat ding may kasamang isang kopya ng isang kard ng pagkakakilanlan na ibinigay ng gobyerno at isang kopya ng kamakailang singil sa utility o pahayag ng bangko o seguro. Mahalaga na nababasa ang bawat kopya, naipapakita ang iyong pangalan at kasalukuyang adres sa koreo, at ang petsa ng pagbigay.
Mangyaring hanapin ang may-katuturang impormasyon sa pag-kontak sa ibaba para sa tatlong ahensya ng pag-uulat sa mamimili:
Equifax
Experian
TransUnion
P.O. Box 105069
Atlanta, Georgia
P.O. Box 2002
Allen, Texas 75013
P.O. Box 2000
Chester, PA 19016
800-525-6285
888-397-3742
800-680- 7289
www.equifax.com
www.experian.com
www.transunion.com
Kapag naisumite mo na ang iyong kahilingan, dapat ilagay ng ahensya ng pag-uulat ng kredito ang pang-seguridad na pagsuspinde nang hindi lalampas sa 1 araw ng negosyo pagkatapos matanggap ang isang kahilingan sa pamamagitan ng tawag sa telepono o ng protektadong elektronikong paraan, at hindi lalampas sa 3 araw ng negosyo pagkatapos matanggap ang isang kahilingan sa pamamagitan ng koreo. Hindi lalampas sa limang araw ng negosyo pagkatapos ang paglalagay ng pang-seguridad na pagsuspinde, magpapadala sa iyo ang ahensya ng pag-uulat ng kredito ng kumpirmasyon at impormasyon sa kung paano mo maaalis ang pagsuspinde sa hinaharap.
Para sa mga Residente ng Distrito ng Columbia
Maaari mong kontakin ang Tanggapan ng Pangkalahatang Abogado ng D.C. para makakuha ng impormasyon tungkol sa mga gagawin na hakbang upang maiwasan ang pagnanakaw ng pagkakakilanlan:
D.C. Attorney General’s Office, Office of Consumer Protection, 400 6th Street, NW, Washington, DC 20001, 1-202-442-9828, www.oag.dc.gov.
Para sa mga Residente ng Iowa
Maaari mong kontakin ang tagapagpatupad ng batas o ang tanggapan ng Pangkalahatang Abogado ng Iowa upang i-ulat ang mga pinaghihinalaang insidente ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Ang Tanggapan ng Pangkalahatang Abogado ng Iowa ay maaaring maabot sa:
Iowa Attorney General’s Office, Director of Consumer Protection Division, 1305 E. Walnut Street, Des Moines, IA 50319, 1-515-281-5926, www.iowattorneygeneral.gov.
Para sa mga Residente ng Maryland
Maaari ka ring kumuha ng impormasyon tungkol sa pagpigil at pag-iwas sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan mula sa Tanggapan ng Pangkalahatang Abogado ng Maryland:
Maryland Office of the Attorney General, Consumer Protection Division, 200 St. Paul Place, Baltimore, MD 21202, 1-888-743-0023, www.marylandattorneygeneral.gov.
Para sa mga Residente ng New Mexico
Ang mga mamimili sa New Mexico ay may karapatang kumuha ng pang-seguridad na pagsuspinde o magsumite ng isang deklarasyon ng pag-alis.
Maaari kang kumuha ng pang-seguridad na pagsuspinde sa iyong ulat ng kredito upang maprotektahan ang iyong pagkapribado at matiyak na hindi ibibigay ang kredito sa iyong pangalan nang hindi mo nalalaman. Maaari kang magsumite ng deklarasyon ng pag-alis upang alisin ang impormasyong inilagay sa iyong ulat ng kredito bilang resulta ng pagiging biktima ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan. May karapatan kang maglagay ng pang-seguridad na pagsuspinde sa iyong ulat ng kredito o magsumite ng isang deklarasyon ng pagtanggal alinsunod sa Patas na Pag-uulat ng Kredito at sa Batas sa Seguridad ng Pagkakakilanlan.
Pagbabawalan ng pang-seguridad na pagsuspinde ang isang ahensya ng pag-uulat sa mamimili na maglabas ng anumang impormasyon sa iyong ulat ng kredito nang wala ang iyong malinaw na awtorisasyon o pag-apruba.
Idinisenyo ang pang-seguridad na pagsuspinde upang maiwasan ang pagkaapruba ng kredito, mga pautang, at mga serbisyo sa iyong pangalan nang wala ang iyong pahintulot. Kapag naglagay ka ng pang-seguridad na pagsuspinde sa iyong ulat ng kredito, bibigyan ka ng numero ng personal na pagkakakilanlan, password, o katulad na aparato na gagamitin kung pipiliin mong alisin ang pagsuspinde sa iyong ulat ng kredito o pansamantalang pahintulutan ang pagpapalabas ng iyong ulat ng kredito sa isang partikular na partido o mga partido o para sa isang partikular na tagal ng panahon pagkatapos na mailagay ang pagsuspinde. Upang maalis ang pagsuspinde o upang magbigay ng pahintulot para sa pansamantalang pagpapalabas ng iyong ulat ng kredito, dapat mong kontakin ang ahensya ng pag-uulat sa mamimili at ibigay ang lahat ng sumusunod:
(1) ang natatanging numero ng personal na pagkakakilanlan, password o katulad na aparato na ibinigay ng ahensya ng pag-uulat sa mamimili;
(2) tamang pagkakakilanlan upang mapatunayan ang iyong pagkakakilanlan; at
(3) impormasyon tungkol sa ikatlong partido o mga partido na tatanggap ng ulat ng kredito o sa tagal ng panahon kung kailan maaaring ilabas ang ulat ng kredito sa mga gumagamit ng ulat ng kredito.
Ang isang ahensya ng pag-uulat sa mamimili na tumatanggap ng kahilingan mula sa isang mamimili na pansamantalang alisin ang isang pagsuspinde ng isang ulat ng kredito ay dapat sumunod sa kahilingan nang hindi lalampas sa tatlong araw ng negosyo pagkatapos matanggap ang kahilingan. Simula noong Setyembre 1, 2008, dapat sumunod ang isang ahensya ng pag-uulat sa mamimili sa kahilingan sa loob ng labinlimang minuto pagkatapos matanggap ang kahilingan sa pamamagitan ng isang protektadong elektronikong pamamaraan o sa pamamagitan ng tawag sa telepono.
Ang isang pang-seguridad na pagsuspinde ay hindi naaangkop sa lahat ng pagkakataon, tulad ng kung mayroon kang isang umiiral na kaugnayan sa account at hiniling ang isang kopya ng iyong ulat ng kredito ng iyong umiiral na tagapagkaloob ng kredito o mga ahente nito para sa tiyak na mga uri ng pagrerepaso ng account, pagkolekta, pagkontrol sa pandaraya o mga katulad na aktibidad; para sa paggamit sa pagtatakda o pagsasaayos ng rate ng seguro o paghahabol o pag-underwrite ng seguro; para sa tiyak na layunin ng pamahalaan; at para sa mga pagsasala na layunin tulad ng tinukoy sa pederal na Batas sa Patas na Pag-uulat ng Kredito.
Kung aktibo kang naghahanap ng bagong account sa kredito, utang, utility, telepono o seguro, dapat mong maunawaan na ang mga pamamaraan na kasangkot sa pag-alis ng pang-seguridad na pagsuspinde ay maaaring makapagpabagal sa iyong sariling mga aplikasyon para sa kredito. Upang magkabisa ang pag-alis ng pagsuspinde, dapat kang magplano nang maaga at alisin ang pag-alis, sa alinman nang ganap kung ikaw ay namimili o nang partikular para sa isang tiyak na tagapagkaloob ng kredito, na may sapat na paunang abiso bago ka mag-apply para sa isang bagong kredito. Dapat mong kontakin ang isang ahensya ng pag-uulat sa mamimili at hilingin itong alisin ang pagsuspinde nang hindi bababa sa tatlong araw ng negosyo bago mag-apply. Simula noong Setyembre 1, 2008, kung kokontakin mo ang isang ahensya ng pag-uulat sa mamimili sa pamamagitan ng isang protektadong elektronikong pamamaraan o sa pamamagitan ng tawag sa telepono, dapat alisin ng ahensya ng pag-uulat sa mamimili ang pagsuspinde sa loob ng labinlimang minuto. May karapatan kang maghain ng aksyong sibil laban sa isang ahensya ng pag-uulat sa mamimili na lumalabag sa iyong mga karapatan sa ilalim ng Batsa sa Patas na Pag-uulat ng Kredito at sa Batas sa Seguridad ng Pagkakakilanlan.
Para sa mga Residente ng New York
Maaari ka ring makakuha ng impormasyon tungkol sa pagtugon sa paglabag sa seguridad at pagpigil at proteksyon sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan mula sa Tanggapan ng Pangkalahatang Abogado ng New York:
Office of the Attorney General, The Capitol, Albany, NY 12224-0341, 1-800-771-7755, www.ag.ny.gov.
Para sa mga Residente ng North Carolina
Maaari ka ring kumuha ng impormasyon tungkol sa pagpigil at pag-iwas sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan mula sa Tanggapan ng Pangkalahatang Abogado ng North Carolina:
North Carolina Attorney General’s Office, Consumer Protection Division, 9001 Mail Service Center, Raleigh, NC 27699-9001, 1-919-716-6000, www.ncdoj.gov.
Para sa mga Residente ng Oregon
Pinapayuhan ka ng mga batas ng estado na iulat ang anumang pinaghihinalaang pagnanakaw ng pagkakakilanlan sa tagapagpatupad ng batas, gayundin sa Federal Trade Commission. Ang impormasyon sa pag-kontak para sa Departamento ng Hustisya ng Oregon ay ang sumusunod:
Oregon Department of Justice, 1162 Court Street NE, Salem, OR 97301, 1-877-877-9392, www.doj.state.or.us.
Para sa mga Residente ng Rhode Island
May karapatan kang maghain o kumuha ng ulat ng pulisya na may kaugnayan sa insidenteng ito. Maaari ka ring kumuha ng impormasyon tungkol sa pagpigil at pag-iwas sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan mula sa Tanggapan ng Pangkalahatang Abogado ng Rhode Island:
Office of the Attorney General, 150 South Main Street, Providence, RI 02903, 1-401-274-4400, www.raig.ri.gov.